Happy Birthday

Nang araw na iyon

Minulat ko ang aking mga mata

Kasabay ng pagsikat ng araw

Sinimulan ko ang labahin

Kasabay ng pagdilig sa hardin

Sinimulan ko na rin ang pagluto ng Sinigang

Kasabay ng sinaing

Sinimulan ko na rin ang paglampaso sa sahig

Kasabay ng hiling na sana’y hindi na kita isipin

Nang araw na iyon

May nakalimutan pa ba ‘ko?

WALA na.

Kasi kahit birthday mo

Hindi ko magawang kalimutan.